Sa araw na ito ay taas noo at buong puso naming ibinabandera ang kauna-unang publikasyon sa Filipino na kung tawagin ay BANGIS. Gamit ang kasanayan ng bawat journalists, naisakatuparan ang MaBANGIS na publikasyon ng ating paaralang Benthel Asia School of Technology Inc. Ang BANGIS ay sumisimbolo hindi lamang sa tapang, kundi sa damdaming nag-aalab para maghatid ng katotohanan. Isa rin itong representasyon na hindi lahat ng tapang ay nasusukat sa lakas ng sigaw. May mukha ng katapangan na nababasa natin sa mga pahayagan. Patuloy sanang dumami ang mga tunay na lingkod- bayan katulad ng ating mga journalists; kakambal ng kanilang bokasyon ay isinasakprisyo nila ang kaligtasan ng kanilang buhay.
