- This event has passed.
Paglulunsad ng Wikang Pambansa 2017
August 1, 2017 @ 8:00 am - 9:00 am
Ang temang “Filipino: Wikang Mapagbago” ay naaakma hindi lamang dahil sa ito ang nagsisilbing mantra ng kasalukuyang administrasyon. Ito ay dahil na rin sa katotohanang ang wikang Filipino ay patuloy na yumayaman dahil na rin sa mga pagbabago sa ating lipunan.
Maraming bagong salita ang nadadagdag sa ating bokabularyo taon-taon. Kabilang na dyan ang mga salitang tumutukoy sa mga imbensyon at gadgets (halimbawa, “IPhone” at“laptop”) at mga salitang hiram mula sa mga lokal at internasyunal na wika (halimbawa, ang mga salitang “bisexual” at “transgender”).
Ang “Google” nga na dati ay pangalan lang ng isang kumpanya sa Estados Unidos, ngayon ay ginagamit na bilang isang pandiwa na tumutukoy sa pagsasaliksik ng impormasyon gamit ang Internet. Paliwanag ng Linguistic Society of America, ang mga wika saan man sa mundo ay patuloy na nagbabago at umuunlad kaalinsabay sa pangangailangan ng mga gumagamit nito.