Pambansang Araw ng mga Bayani

Sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani, ating binibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa—at ang mga manggagawang Pilipino na patuloy na nagsisikap, naglilingkod, at bumubuo sa ating lipunan.
Ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa mga dakilang sakripisyo ng nakaraan. Ito rin ay makikita sa bawat Pilipinong tapat na nagtatrabaho, naglilingkod, at patuloy na lumalaban para sa pamilya at bayan.
Sa bawat pawis, pagsisikap, at sakripisyo, may kuwentong kabayanihan.
Sila ang mga bayani ng kahapon, ngayon, at bukas.
Mabuhay ang mga Bayaning Pilipino!
Mabuhay ang mga Manggagawang Pilipino!
PAALALA:
Walang pasok at walang opisina ngayong araw bilang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani. Ang regular na klase at operasyon ng opisina ay magpapatuloy sa Martes, Setyembre 1, 2026.
Caption: Tr. Lordeneil Dayagbil | AP Coordinator
Layout: Tr. Reshell M. Dignos | SAPC and SSC Overall Adviser
#PambansangArawNgMgaBayani #NationalHeroesDay #BenthelAsiaSchoolOfTechnology #HolisticEducationAtItsBest